Patay ang isang notorious criminal ng Lanao del Sur matapos lumaban sa mga awtoridad habang inaaresto sa Barangay Bagoingod, Ganassi sa naturang lalawigan nitong Linggo na ikinasugat ng dalawang miyembro ng elite unit ng pulisya.

Dead on arrival sa Amai Pakpak Medical Center ang suspek na si alyas "Lastikman" dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Isinugod din sa nasabing ospital ang dalawang miyembro ng Special Action Force (SAF) dahil sa mga tama ng bala.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa imbestigasyon ng pulisya, sumugod sa bahay ng suspek ang mga tauhan ng Lanao del Sur Police Provincial Office, Philippine National Police-SAF at 103 Infantry Brigade (IB) ng Philippine Army sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte dahil sa mga kasong murder (4 counts), frustrated murder (3 counts) at attempted murder.

Gayunman, biglang pinaputukan ng suspek ang mga awtoridad kaya't nagkaroon ng engkuwentro.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang M16 Armalite rifle; isang bandolier at tatlong magazine at mga bala.