Higit ₱181.2M jackpot sa Super Lotto draw, walang nanalo
Walang nanalo sa isinagawang 6/49 Super Lotto draw nitong Linggo ng gabi.
Paliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 30-35-17-26-06-24 na may katumbas na premyong aabot sa ₱181,257,101.00.
Dahil dito, inaasahan na ng PCSO na madagdagan pa ang premyo sa susunod na draw nito.
Ang nakatakdang bola ng Super Lotto ay sa Martes, Huwebes at Linggo, dakong 9:00 ng gabi.