Binuweltahan ni social media influencer Inah Evans o mas kilalang “Ate Dick” si showbiz columnist Cristy Fermin.

Sa X post kasi ni Ate Dick nitong Sabado, Nobyembre 25, inalok niya si Cristy para ipaliwanag dito ang konsepto ng sexual orientation, gender identity, and gender expression o SOGIE. 

“TUMANDA KANG GANYAN KA-TANGA. TARA PO MANANG CRISTY, IEEXPLAIN KO SA INYO ANG SOGIE, PIPILITIN KO PONG MAIPALIWANAG SA COLLOQUIAL NA PARAAN PARA PO DI KAYO MATAWAG AT MAUTUSAN NA 'TANDA, MAG-ARAL KA!'” saad ni Ate Dick.

Dagdag pa niya: “ANG PANGHI NA NG UTAK NIYO E, SARAP NIYO IHIAN NG WISDOM.”

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

https://twitter.com/_AteDick/status/1728149957537071440

Ang tugong ito ni Ate Dick ay tungkol sa binitiwang pahayag ni Cristy kay “Unkabogable Star” Vice Ganda na hindi umano tunay na babae ang huli.

MAKI-BALITA: Cristy Fermin kay Vice Ganda: ‘Hindi ka tunay na babae’

Matatandaan kasing tila ang showbiz columnist ang pinapatamaan umano ni Vice sa biro nito sa isang contestant ng “Me Choose, Me Choose” na nagngangalang Cristy kaya ito pumalag 

MAKI-BALITA: Vice Ganda may patutsada kay ‘Cristy’

MAKI-BALITA: Cristy Fermin sa patutsada ni Vice Ganda: ‘Bakit hindi niya ako diretsuhin?’