Isang taga-Quezon City ang nanalo ng mahigit ₱107.5 milyon sa lotto kamakailan.

Nahulaan ng naturang mananaya ang 6 digits winning combination ng Mega Lotto 6/45 na 13-31-16-01-25-10 sa isinagawang draw nitong Nobyembre 6.

Nitong Nobyembre 10, naiuwi na ng nasabing bettor ang jackpot na ₱107,506,074.20 na binawasan ng 20 porsyentong buwis alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ang nanalong ticket ay binili sa isang outlet sa Barangay Pinyahan, Quezon City, anang PCSO.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Ang winning combination ay mula sa pinagsama-samang edad at petsa ng kapanganakan ng mga anak ng nanalo.

Halos 30 taon na umanong tumataya sa lotto ang 50-anyos na jackpot winner.