Ni-rescue at tinurn over ng isang residente mula sa Puerto Princesa, Palawan ang natagpuan niyang “critically endangered” na babaeng pangolin, o mas kilala sa lugar bilang “Balintong,” sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD).

Sa Facebook post ng PCSD, ang naturang adult female Palawan Pangolin (𝘔𝘢𝘯𝘪𝘴 𝘤𝘶𝘭𝘪𝘰𝘯𝘦𝘯𝘴𝘪𝘴), na may timbang na 5.25 kilos, ay natagpuan ng residenteng si Larry Dela Cruz sa isang kanal sa Brgy. Sicsican noong Nobyembre 23 ng hapon.

Matapos ma-rescue ay agad daw sinurrender ni Dela Cruz ang nasabing hayop sa PCSDS upang maalagaan doon.

Ayon sa PCSD, napabibilang ang Palawan Pangolin sa listahan ng “Critically Endangered Species” sa ilalim ng PCSD Resolution No. 15-521 at CITES na nakasaad sa ilalim ng Appendix I.

Philippine pangolin, natagpuan sa Angeles City, Pampanga

Kaugnay nito, nanawagan ang PCSDS sa publiko na iulat sa ahensya at staff ang kahit anong wildlife species (flora at fauna) na matatagpuan sa alinmang bahagi ng Palawan, sa pamamagitan ng kaniyang hotline numbers na 0935-116-2336 (Globe/TM) at 0948-937-2200 (Smart/TNT).

“PCSDS can also be reached through Facebook (pcsd7611), Instagram (pcsd_ra7611), and Twitter (@pcsds7611),” saad pa ng PCSDS.

Matatandaang kamakailan lamang ay isa ring pangolin ang na-rescue sa Angeles City, Pampanga at tinurn over ng lokal na pamahalaan sa DENR Central Luzon.

?fbclid=IwAR0tJ1VaFFY8oSL3cyw4iybWVB-kUghesqLSyduy6qzeJrnNaVVNs83o9SA