National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pamimigay ng regalo sa mahigit 1,700 batang mula sa bahay-ampunan sa isinagawang "Balik Sigla, Bigay Saya" gift-giving sa Malacañang grounds nitong Linggo.

Kasama ni Marcos sa pamimigay ng mga regalo si First Lady Louise "Liza" Araneta-Marcos.

Sa Facebook post ng Presidential Communications Office (PCO), bukod sa Malacañang, sabay-sabay ding nagsagawa ng gift-giving activity ang 300 satellite center sa buong bansa kung saan mahigit sa 17,000 bata ang tumanggap ng regalo.

“Welcome to Malacañan Palace! Welcome to our Christmas celebration! Merry Christmas, mga anak,” pahayag ni Marcos sa mga bata bago isagawa ang pamamahagi ng mga bag na puno ng regalo.

“Alam niyo noong kasing tanda ko lang kayo, maliit din ako noon, ‘yung tatay ko siya ang presidente rito. Kaya bawat Pasko ganito ang aming ginagawa dito,” pagbibigay-diin pa ng Pangulo.