Sinabi ng PCG, ikinakasa na rin nila ang aerial search operation sa pag-asang matagpuan ang mangingisdang si Ritzie Yap na hindi pa nakauuwi mula nang pumalaot ito nitong Nobyembre 18.

Gagamitin na ng PCG ang Coast Guard Aviation Force fixed wing plane na BN Islander upang suportahan ang joint seaborne operations mula Bulalacao hanggang Barangay Semirara.

Tumulong na rin sa paghahanap ang pamilya ni Yap at iba pang mangingisda, gayunman, hindi pa rin ito natagpuan.

Nauna nang sinabi ng PCG na umabot na sa 42 nautical miles ang kanilang paghahanap mula sa Brgy. Poblacion hanggang Brgy. Balatasan sa Bulalacao.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nitong Sabado, pansamantalang itinigil ang search operation dahil na rin sa malalaking alon na dulot ng sama ng panahon.