"Friendship over" na nga ba sa pagitan ng dalawang showbiz tsika royalties na sina "Cristy Fermin" at "Lolit Solis?"

Sey kasi ni Lolit sa kaniyang Instagram posts, gusto niyang diretsahin at tanungin ang dating co-host sa "Take It, Take It Per Minute (Me Ganon?)" kasama si Mr. Fu kung may galit ba sa kaniya ito.

Lagi raw kasing tinitira ni Cristy ang mga alaga niya, kagaya na lamang nina Paolo Contis at Lorna Tolentino.

Post ni Lolit, "Alam mo ba Salve na gusto ko tanungin si Cristy Fermin kung galit siya sa akin."

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Kasi nga parang mga alaga ko ang gusto niyang laging ginagawang punching bag. Nuon una, si Paolo Contis. Ngayon naman si Lorna Tolentino. Baka may kasalanan din ako na paborito kong tinatawag na tomboyita at baklita mga alaga ko as term of endearment. Iyon iba baka nga nilalagyan ng malisya. Pero dahil secure at confident naman sila kaya tinatawanan lang nila."

"Ngayon kung nilalagyan nila ng malisya, sila na ang krung krung at hindi ako. Basta ako walang galit kay Cristy Fermin, pero kung may galit siya sa akin wala na akong magagawa, kanyang opinyon iyon siya ang bahala. Ayoko makialam sa anuman nasa isip at damdamin niya."

"Naawa lang ako sa mga alaga ko na nagiging punching bag dahil sa akin. Kung sa akin ka galit, sabihin mo, huwag idamay ang iba. Kawawa naman sila kung kasalanan ko tapos sila ang napaparusahan. Unfair naman di bah !😭."

Sa isa pang Instagram post, "Pangit iyon nasa isang mundo kayo tapos tago iyon nararamdaman mo, Salve. Mula't sapul naging ugali ko na iclear kung anuman iyon feeling ko makabigat sa balikat ko. Gusto ko mahaharap ko lahat nang hindi kailangan maging plastic. Either gusto mo ako o ayaw mo, mas mabuti ang ganuon kesa naman plastikan kayo. Kaya gusto ko klaro lahat sa amin ni Cristy Fermin. Kung galit siya sa akin, ako na lang tirahin niya huwag mga alaga ko. Gaya nuon panay ang tira niya kay Paolo Contis. Ngayon naman si Lorna Tolentino. Gusto ko klaro, mga alaga ko ba ang galit siya, o sa akin siya galit? At bakit ? May nagawa ba mga alaga ko, o ako na mali sa kanya ? Sabihin niya para klaro. Para hindi iyon magtatanong ka pa. Gorgy sabihin mo Salve ha, para klaro ang lahat, hindi iyon may tanong pa BAKIT? Di bah👍"

Matatandaang bago nito ay nagkaparinigan na ang dalawa, at sinagot naman ni Cristy ang patutsada ni Lolit patungkol kay Paolo.

Ani Cristy, wala siyang personal na galit kay Paolo at ginagawa lang niya ang trabaho niya bilang showbiz insider.