Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Sabado, Nobyembre 25, na 33.26% o 6,180 sa 18,582 examinees ang pumasa sa November 2023 Civil Engineers Licensure Examination.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Godfrey Queron Correa mula sa Palawan State University – Puerto Princesa matapos siyang makakuha ng 93.60% score.

Hinirang naman ang University of the Philippines – Diliman bilang mga top performing school matapos umano itong makakuha ng 98.55% overall passing rate.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Nobyembre 17 hanggang 18, 2023 sa mga testing center sa Metro Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Calapan, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, Zamboanga, at Palawan.
National

Ex-VP Leni sa pagsalubong niya kay PBBM: ‘Isang pagbibigay-respeto sa posisyon’