Nagbigay na ng pahayag si Kapamilya host Robi Domingo tungkol sa kumakalat na in-unfollow niya sina Daniel Padilla at Andrea Brillantes.

Sa X post ni Robi nitong Huwebes, Nobyembre 23, ni-reshare niya ang art card ng isang pahayagan na nagsasabing kabilang siya umano sa mga nag-unfollow sa dalawang personalidad.

MAKI-BALITA: #UnfollowSerye: Chie, Robi inunfollow na rin sina Daniel, Andrea?

“This is so not true. Please check facts first,” pahayag ni Robi. 

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

https://twitter.com/robertmarion/status/1727508699978321953

Nauna na rin siyang nagbigay ng babala noong Miyerkules, Nobyembre 22, tungkol sa kung anumang isyung idinidikit sa pangalan niya.

Sabi ni Robi: “Whatever is circulating around involving me, it's not true. Please check your facts first.”

https://twitter.com/robertmarion/status/1727351688108048453

Matatandaan kasing matapos kumalat ang balitang palihim umanong nagkikita sina Andrea at Daniel, umugong ang balitang hiwalay na ang huli sa jowa nitong si Kathryn Bernardo.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Lalong lumakas ang alingasngas tungkol sa balitang ito nang i-unfollow ni Kathryn si Andrea sa Instagram. 

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, inunfollow si Andrea Brillantes sa IG?

Gumanti naman umano si Andrea sa ginawang iyon ni Kathryn sa kaniya.

MAKI-BALITA: Andrea inunfollow na rin si Kathryn, pero naka-follow kay Daniel