Timbog ang isang pasaherong lalaki dahil umano sa pagbabantang bobombahin ang isang Roll-on, Roll off (RoRo) vessel jsa Bongao, Tawi-Tawi nitong Miyerkules ng gabi.

Nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) Bongao Station ang suspek na hindi isinapubliko ang pagkakakilanlan.

Sa report, isang pasahero ang humingi ng tulong sa Philippine Coast Guard (CPG) Bongao dahil tinangka siyang patayin ng isa ring pasahero na nagwawala sa loob ng barko.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

Kaagad na kumilos sina Coast Guard Seaman First Class (SN1) Christian Leden Marquez at CG SN1 Elmer Dacanay at inaresto ang suspek sa Port of Bongao, nitong Nobyembre 22 ng gabi.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang suspek na nahaharap sa patung-patong na kaso.