Natuwa hindi lamang sina Doug at Chesca Kramer kundi ang mga kapwa celebrity at netizen nang magkaharap ang kanilang panganay na anak na si Kendra at Miss Universe 2018 Catriona Gray sa isang fashion brand event.

Sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Nobyembre 22, makikita ang mga larawan nina Kendra at Queen Cat.

Pinapurihan pa ni Kendra si Catriona bilang "epitome" ng isang Miss Universe.

"So pretty, so humble! ❤️ So happy to finally meet @catriona_gray at the @DiorBeauty event.Epitome of a Ms Universe!❤️," aniya sa kaniyang caption.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Komento naman ng daddy niyang si Doug, "You guys look like sisters ❤️."

Sey naman ng mommy niyang si Chesca, "@catriona_gray is a queen through and through. 👑 Beautiful yet so humble. 🙌."

Agree naman ang mga netizen at maraming nagsasabing parang nakaharap na raw ng former Miss U ang future Miss Universe.

Matatandaang maraming humihikayat kay Kendra na sumali sa mga beauty pageant dahil kering-keri daw niya, at nakikita nga nila na siya ang future Catriona Gray.

Sinagot naman ni Kendra ang tanong sa kaniya ng media peepz kung interesado siyang sumali rito in the near future.

MAKI-BALITA: Kendra Kramer puring-puri ng netizens: ‘Beauty queen material talaga!’

MAKI-BALITA: Kendra Kramer, pang-supermodel at Miss U ang beauty, sey ng mga netizen