Usap-usapan ng mga netizen ang ilang cryptic posts ni Karla Estrada sa kaniyang Instagram post noong Nobyembre 21, 2023.

Bagama't wala namang malinaw kung para saan at para kanino ito, hindi maiwasang maikonekta ito sa gusot na umiikot sa umano'y hiwalayan ng anak niyang si Daniel Padilla at jowa nitong si Kathryn Bernardo.

Hanggang ngayon kasi ay puro intriga lang ang nababasa, naririnig at napapanood. Wala pang statement sa mga sangkot na personalidad.

Nauna nang pinasabog ni Ogie Diaz sa kaniyang entertainment vlog na "Showbiz Update" ang umano'y bulong sa kaniya ng isang impormante, na palihim umanong nagkikita sina DJ at isa pang Kapamilya star na si Andrea Brillantes.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Anyway, ilan sa cryptic posts ni Karla ay bible verses patungkol sa kasalanan.

"Yes! We are strong mama’s! 👑" saad niya sa caption.

Nagdiwang ng kaarawan si Karla noong Nobyembre 21.

Bagama't naka-limit ang puwedeng magkomento rito, narito naman ang ilan sa mga kuda ng netizens sa comment section:

"Daming cryptic posts at kung anu ano...Lage na lng pinagtatanggol anak mo. Almost every year may issue kung kani kanino. My GOD,stop it na...kawawa na mga bata Lalo Ang babae... Wala nmang mawawala sa lalake...sa mga babae marami mawawala..."

"Happy birthday po, Sana may mag salita na ng totoo about the issue kawawa naman kaming mga fans ng kathniel sobrang nasasaktan at overthink malala huhu please magsalita na kayo kung hiwalay naba talaga o wala ng kathniel na sana wag mangyari huhu 😭."

"Pero paki clarify po ng issue kung totoong hiwalay na ang Kathniel 🥺😭."

"Mother queen galawin na ninyo Po Ang baso. Marami na pong basher Ang naninira sa kathniel, we know na nahihirapan kameng fans mas Lalo na Po sila pag patuloy Po may nagkakalat ng maling issue pag Wala pa pong magsalita 🙏🥺🥺."

"Miss Karla ang dami po nagcacancel kay daniel sa twitter. Pati po mga kakampinks nakisali na. Ang lala na po ng mga accusations nila kay daniel. Sirang sira na si daniel. At madami na din mga KNF na cinancel si daniel dahil naniniwala sa issue nila ni andrea. Sana naman po magsalita na po si daniel regarding sa issue. Hindi mawawala ang issue na ito, tatatak na ito sa mga tao kung wala po kayong gagawin. Sana po may magsalita na. Nakakaawa rin yung mga fans nila na napapaaway sa pagtatanggol sa kanila. Sana naman po tulungan po ni daniel ang mga fans. Kaya maraming naniniwala, kasi hindi kayo nagsasalita. Silence means yes daw."

Samantala, isang netizen ang nagsabing dapat kasuhan na raw ang mga taong nagpapakalat ng maling impormasyon at sumisira sa reputasyon ni DJ.

"Tita K please sampahan mo ng kaso yung mga taong sumisira sa reputasyon ng anak mo 😢 sirang sira na si Daniel please magsalita na kayo," anang commenter.

Pero sinuweto na siya ng iba pang netizens.

"anong kaso namn yong isasampa sa nag balitang BREAK na ang MAG KASINTAHAN?! 😂"

"guilty of cheating? Saang korte namn yan pakikinggan ? Makatanga ka eh Ikaw ang tanga 🤣😂🤣."

Anyway, hindi naman nagsalita si Karla patungkol sa pangungulit sa kaniya ng netizens sa kaniyang post.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?