Usap-usapan ang isang ulat ng pahayagan na umano'y sumunod na nag-unfollow kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes ang Kapamilya actress-model na si Chie Filomeno at TV host na si Robi Domingo.

Matatandaang nag-ugat ang pag-unfollow ng ilang celebrity friends kina Daniel at Andrea dahil sa isyung pinakawalan ni Ogie Diaz, hinggil sa sitsit sa kaniyang palihim na nagkikita raw sina Daniel at Andrea.

Unang napabalitang nag-unfollow si Kathryn kay Andrea at makalipas ang isang araw, nag-unfollow na rin si Andrea kay Kathryn.

Sumunod, napabalitang nag-unfollow si Loisa Andalio at Miles Ocampo kay Blythe, pero naka-follow pa rin kay Daniel.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Photo courtesy: Screenshot from Loisa Andalio (IG)

Photo courtesy: Screenshot from Loisa Andalio (IG)

Photo courtesy: Screenshot from Miles Ocampo (IG)

Photo courtesy: Screenshot from Miles Ocampo (IG)

Chineck ng Balita ang Instagram accounts nina Chie at Robi para ma-verify ang lumabas na ulat ng nasabing pahayagan at usap-usapan ng netizens tungkol sa unfollowang nagaganap.

Lumalabas na as of 2:01 ng hapon ngayong Miyerkules, Nobyembre 22, hindi makikitang naka-follow sina Chie at Robi sa Instagram accounts nina Daniel at Andrea.

Photo courtesy: Screenshot from Chie Filomeno (IG)

Photo courtesy: Screenshot from Chie Filomeno (IG)

Photo courtesy: Screenshots from Robi Domingo (IG)

Photo courtesy: Screenshots from Robi Domingo (IG)

Pero ang tanong kasi dito, talaga bang nag-unfollow o matagal nang hindi talaga naka-follow?

Sabi ng ilang fans sa X, sa umpisa pa lang ay hindi na raw talaga naka-follow ang dalawa kina DJ at Blythe, so paano raw magkakaroon ng pag-unfollow?

Kaya naman, kinuyog nila ang artikulo sa X at sinabihan itong mag-fact checking muna.

Narito ang ilan sa mga X posts:

"chie and robi were not following dj on instagram in the first place. how would they unfollow him? please get your facts straight, hindi yung kumukuha lang ng random twitter chismis as source."

"philstar fact check naman. di pala kayo credible."

"mygoodness philstar, nagfafact check ba kayo?"

"isa pa tong hindi marunong mag fact check naiinis ako sa katangahan niyo."

"paano iuunfollow kung ‘di naman followed in the first place? learn to fact check bago nagbabalita ng chismis."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Chie at Robi tungkol dito. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.

MAKI-BALITA: Wish ni Andrea: inspirational pick-up lines naman ibalita tungkol sa kaniya

MAKI-BALITA: Andrea inunfollow na rin si Kathryn, pero naka-follow kay Daniel

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, inunfollow si Andrea Brillantes sa IG?