Ipatutupad na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang taas-suweldo ng mga minimum wage earner at kasambahay o domestic worker sa Region 4-B o sa Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (Mimaropa) simula sa Disyembre 7.

Ito ang pahayag ng DOLE nitong Miyerkules kasunod ng wage order na inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) na nag-aapruba na magkaroon ng dagdag na ₱40 sa minimum pay para mga manggagawa na nasa pribadong sektor.

Itataas naman sa ₱1, 000 ang buwanang sahod ng mga kasambahay.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasa kabuuang 46,861 minimum wage earner sa rehiyon ang inaasahang makikinabang sa wage increase.

Magiging ₱5,500 na ang buwanang sahod ng mga kasambahay mula sa dating ₱4,500.

PNA