Kinaaliwan ng mga netizen ang post ng Facebook page na Freak and Jerck tungkol kina Kapamilya stars Daniel Padilla, Andrea Brillantes, at Kathryn Bernardo.

Sa post ng nasabing Facebook page kamakailan, makikita ang kuhang larawan ng isang eksena mula sa teleseryeng “Pangako Sa ‘yo” kung saan bumida sina Daniel, Andrea, at Kathryn.

“Ayan, nagusap na silang tatlo! Stop panicking daw! 😆 TEAM KATNIEL💯” saad sa caption ng post.

https://

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sa comment section, makikita naman ang kuhang larawan ng sumunod na eksena ng nasabing teleserye kung saan sinabi ng karakter ni Kathryn na nireregla lang umano ang karakter ni Andrea.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Inalagaan ka na nga sa una mong period tapos ganyan igaganti mo? Mali yon Andrea”

“May regla lang daw si Andrea ahahahahahga”

“kat pagalawin mo na ang baso..........”

“Pangako sayo napanood kona yan. Sobrang bait na kapatid c andrea dyan”

“Si DANIEL kasi pinag Laba nya si Blythe ng panty, si RICCI never”

“Dpat magsalita na kc kau ano totoo 😆🥱 kung kapatid tlga tingin nio kay Andrea mgsalita kau kc andmi nambabash kay andrea”

“si natagusan hahaha”

Kung pagbabasehan ang mga nakuhang “haha” reactions ng post, tila nakabawas naman sa tensiyon ng KathNiel fans ang nasabing post sa gitna ng alingasngas na hiwalay na umano ang dalawa dahil sa palihim na pagkikita umano nina Daniel at Andrea.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Bukod dito, binalikan naman ng mga netizen ang isa pang eksena nina Daniel at Andrea sa PSY na ibinahagi sa Facebook page ng "Jeepney TV."

MAKI-BALITA: Magkuyang eksena nina Daniel at Andrea sa ‘Pangako Sa ‘Yo,’ binalikan