Ipinagmalaki ni Kapuso star Ruru Madrid ang jowa niyang si Bianca Umali na gaganap bilang bagong tagapangalaga ng brilyante ng lupa sa fantasy-magical series na “Sang’gre: Encantadia Chronicles”.

Matatandaang kamakailan lang ay nagbahagi si Bianca ng pasilip sa taping ng nasabing serye.

MAKI-BALITA: Taping ng ‘Sang’gre’, nagsisimula na

Sa Instagram post ni Ruru nitong Martes, Nobyembre 21, flinex niya ang video clip ng teaser ng “Sang’gre” kung saan tampok si Bianca.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Im so proud of you, My love.. Ipagmamalaki kita habang buhay dahil sa husay at dedikasyon mo sa trabaho,” saad ni Ruru sa caption ng kaniyang post.

“Siguradong marami pa ang hahanga sayo sa proyekto na ito dahil alam ko kung gaano mo ito pinaghandaan,” aniya.

Dagdag pa niya: “Gulatin mo silang lahat Sang'gre Terra, Agtu!”

Tumugon naman si Bianca sa nasabing post: “Maraming salamat, mahal ko 🤎 i will make you more proud!”

Iba talaga ang epekto ng pagmamahal ni Bianca kay Ruru. Sa katunayan, sa isang panayam, inamin ng huli na pinatino umano siya ni Bianca.

MAKI-BALITA: Ruru Madrid, pinatino ni Bianca Umali