Nakakaloka ang mga netizen dahil dinumog ng komento ang throwback post ng "Jeepney TV" sa Facebook page nito, kung saan mapapanood ang video clip mula sa remake ng "Pangako Sa 'Yo" noong 2015, at sa nabanggit na eksena, makikita ang naiisyung sina Daniel Padilla at Andrea Brillantes.

Ang Jeepney TV ay cable channel ng ABS-CBN na nagto-throwback airing ng previous shows ng Kapamilya Network na tumatak at tinangkilik ng mga manonood, at kabilang dito ang PSY na originally ay ginawa nina Kristine Hermosa, Jericho Rosales, kasama pa ang iconic roles nina "Ms. Amor Powers" na si Eula Valdez at "Madam Claudia Buenavista" na si Jean Garcia.

"Daniel Padilla (Angelo) at Andrea Brillantes (Lia) magkasamang lumipat ng bahay. #AndreaBrillantes #DanielPadilla #jtvhighlights #ABSCBN," mababasang caption.

Quiboloy, nag-bible study habang nasa detention center

Para sa kaalaman ng lahat, nagkasama na ang KathNiel at si Andrea sa nabanggit na remake. Si Andrea ang gumanap na "Lia Buenavista" na nakababatang kapatid ni "Angelo Buenavista" na ginampanan naman ni Daniel.

Emosyonal ang eksena dahil napalayas ang magkapatid sa kanilang bahay at kinailangan nilang maging independent na. Makikita ang pag-alo ni Angelo sa todo-iyak na si Lia dahil sa sinapit ng kanilang kapalaran.

Hindi naman naiwasan ng mga netizen na maiugnay sa mga kasalukuyang lumiligid-ligid na tsika ang mga napanood nilang eksena.

"Nasa 'kuya' ang true love haha."

"Ginawa issue yong teleserye πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚."

"Kua dw kya wg n maissue kptid lng cla mgturingan 🀭🀭🀭."

"Magkapatid pla sila noon tpos gagawan ng issue na mag jowa eh d wow nalang sa mga tsismosos πŸ˜„."

"may kilala din akong magkaibigan dati tapos kuya ang tawag ngayon magjowa na sila πŸ™Š."

"Ako din kuya lng tawag q sa jowa ko dati ngayon husband q na eeeeeh ang tweet dyan din yan papunta😁😁😁😁.."

Matatandaang natsika ni Ogie Diaz sa kaniyang entertainment vlog na "Showbiz Update" na nakarating umano sa kaniya na nagkikita raw nang palihim sina Daniel at Andrea.

MAKI-BALITA:Β Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Ilang araw lamang, matapos kuyugin ng banas na fans ng kathNiel at ni Andrea at tawaging fake news peddler, napabalitang inunfollow raw ni Kathryn si Andrea sa Instagram.

MAKI-BALITA:Β Kathryn Bernardo, inunfollow si Andrea Brillantes sa IG?

Isang araw ang nakalipas, "gumanti" naman daw si Andrea at inunfollow na rin si Kath.

MAKI-BALITA:Β Andrea inunfollow na rin si Kathryn, pero naka-follow kay Daniel

Hindi lamang iyan, nag-unfollow na rin daw ang malalapit na kaibigan ni Kath na sina Loisa Andalio at Miles Ocampo kay Blythe.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang linaw at pahayag ang mga taong sangkot sa isyung ito, lalo na ang ABS-CBN at Star Magic.