Isiniwalat ni Asia’s King of Talk Boy Abunda na inimbitahan umano siyang maging judge sa katatapos lang na Miss Universe 2023.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Nobyembre 21, ibinahagi ng “Asia’s King of Talk” ang tungkol sa bagay na ito.

“Lumabas po sa PEP ang balita last week, I think, na I was invited, I was considered to judge in the recently concluded Miss Universe pageant sa El Salvador. Totoo po ‘yan. I confirmed that,” kuwento ni Abunda.

"Ako ay naimbitahan, but I was also disqualified from judging this year's Miss Universe dahil I did an interview with one of the candidates, si Michelle Dee. Na sa kanilang mga rules ay bawal," dagdag pa niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero masaya pa rin naman umano si Abunda kahit hindi nangyari ‘yun dahil “worth it” naman ang naging panayam niya sa pambato ng Pilipinas. Nangyari ang panayam ilang araw bago ang nasabing kompetisyon. Saka anoman ang mangyari, siguradong kay Michelle daw niya ibibigay ang kaniyang boto.

"I can imagine how difficult it is to judge, but we're still very happy, Michelle got to the Top 10,” saad pa ni Abunda.

Sa huli, hiniling niya na sana’y magkaroon ulit siya ng pagkakataong makapanayam si Michelle pagdating nito sa Pilipinas.