CALAYAN, Cagayan - Nailigtas ng mga awtoridad ang siyam na pasahero at limang tripulante nang tumaob ang isang bangkang de-motor sa Camiguin Island kamakailan.
Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Miyerkules, Nobyembre 22, ang insidente ay naganap sa Ensenada, Barangay Naguilian, Camiguin nitong Lunes, dakong 11:30 ng umaga.
Probinsya
13-anyos na babae na hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa altar ng chapel
Naiulat na patungo na sana sa Aparri, Cagayan ang MB AGALEXA 02, sakay ang siyam na pasahero at mga tripulante mula sa Brgy. Balatubat, Camiguin nang hampasin ito ng malalaking alon dahil sa sama ng panahon
Matapos matanggap ang impormasyon kaugnay ng insidente, kaagad na nagsagawa ng search and rescue operations (SRO) ang PCG, sa tulong ng MB St. Peter at MB Carl Jansam at nasagip ang mga pasahero.
Wala umanong permiso sa PCG ang naturang bangka upang lumayag dahil sa ipinaiiral na gale warning sa coastal parts ng Northern Luzon, kabilang na ang Camiguin Island.