Natanong sa 'Luis Listens" ng host nitong si Luis Manzano kay Andrea Brillantes kung anong masasabi niya dahil laging nakanganga at nakaabang sa kaniya ang netizens patungkol sa kaniyang love life.

Diretsahang sagot ni Blythe, "Honestly po hindi ko po kasi iniisip eh. So for me walang bigat or walang hassle sa akin at all kasi nakapokus lang po ako sa mga bayarin ko."

Sa puntong ito ay natawa na lang ang aktres.

"Mga bayarin ko, mga gusto kong ma-achieve before the year ends, mga gusto kong ma-achieve sa next year..."

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Kaya napatanong na lamang si Luis kay Andrea sa edad nito.

Anang Luis, noong 20 anyos siya, iba ang mga iniisip at prayoridad niya.

"Noong 20 ako, iba pa 'yong mga iniisip ko no'n, 20 ang mga naiiisip mo na kaagad 'yong mga bayarin mo, kasi it's not something that you hear everyday," anang Luis.

Sey naman ni Blythe, kinailangan daw niyang isipin at the very young age ang tungkol sa pagtatrabaho at mga bayarin dahil siya ang breadwinner ng pamilya.

"Actually kinailangan ko po 'yon isipin at the very young age, at 10 kasi doon po ako nag-start maging breadwinner," sagot naman ni Andrea.

Pero bilang bagets, aminado naman si Andrea na may "boys" at "crushes" din naman siya.

"Though aminin ko bilang bagets, may boys... may mga crush ako ganiyan, pero for people to always wait kung sino 'yong magiging next ko, hindi ko 'yon masyadong pinapaano sa akin, kasi bahala na kayo mag-isip kung sino, ngayon 'yong parang sa show ko yata tatlo yata 'yong leading men ko ro'n, bahala na kayo mamili diyan..." aniya.

Matatandaang pinag-usapan nang malala ang naging hiwalayan nila ng basketball player na si Ricci Rivero, na ngayon ay jowa na ng konsehala mula sa Laguna na si Leren Mae Bautista.

At ngayon, muli na namang nakaladkad ang pangalan ng aktres dahil naman sa tsikang hiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na hanggang ngayon ay puro espekulasyon lamang at wala pang malinaw na kumpirmasyon.

MAKI-BALITA: Wish ni Andrea: inspirational pick-up lines naman ibalita tungkol sa kaniya

MAKI-BALITA: Andrea inunfollow na rin si Kathryn, pero naka-follow kay Daniel

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, inunfollow si Andrea Brillantes sa IG?

Well, in fairness naman kay Andrea, bukod sa successful ang kaniyang career, matagumpay rin siya sa larangan ng pagnenegosyo dahil may sarili na siyang make-up brand, at siya nga raw ang pinakabatang celebrity CEO.

MAKI-BALITA: Andrea Brillantes, pinupuri sa pagiging ‘youngest celebrity CEO’