Hindi napanalunan ang mahigit sa ₱150.8 milyong jackpot sa Super Lotto 6/49 draw nitong Nobyembre 19 ng gabi.

Walang nakahula sa winning combination na 16-24-19-35-47-15, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinabi ng PCSO, wala ring nanalo sa Ultra Lotto 6/58 draw na may 6 digits winning combination na 44-55-43-01-23-26 at may katumbas na premyong aabot sa ₱139,853,615.80.

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Inaasahan na ng PCSO na tataas pa ang jackpot ng mga nasabing lotto games sa susunod na draw nito.