Lalo pang lumamig ang klima sa Baguio City matapos bumagsak ang temperatura nito sa 13.4°C nitong Lunes, Nobyembre 20.
Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), naitala ang nasabing temperatura dakong 5:00 ng madaling araw.
Probinsya
Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito
Paliwanag ng PAGASA, makararanas ng maulap na papawirin ang lungsod na may kasamang manaka-nakang pag-ulan bunsod na rin ng northeast monsoon o amihan.
Asahan na rin ang malakas na ihip ng hangin sa Baguio ngayong Lunes.
Nitong Linggo, naramdaman ang 14°C na temperatura sa lugar.
Ang pinakamalamig na panahon sa lungsod ngayong taon ay umabot sa 10.0°C nitong Enero 16.