Pinalagan ng mga tagahanga ng Kapamilya actress na si Francine Diaz ang "pagkakamali" sa naka-display sa monitor habang nag-uulat si KaladKaren tungkol sa pag-level up ng career ng una.

https://twitter.com/carcyofc/status/1725542227768955040

Imbes kasi na si Francine ang makikita rito, ang kapwa Kapamilya star na si Andrea Brillantes ang makikita sa monitor.

Hindi matanggap ng Francine Diaz fans na napagkamalian ang kanilang idolo sa ibang aktres kaya naman nag-trend sa X ang "Protect Francine Diaz."

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

https://twitter.com/_annngelica/status/1725566429368562064

Obviously, walang intensyong masama ang team na nasa likod ng TV5 flagship newscast at baka nagkamali lamang talaga.

Pagdating naman sa ulat sa Frontline Tonight ay naayos na ito.

Narito ang ilan sa mga naging reaksiyon at komento ng fans ni Francine batay sa mababasa sa social media:

"Nobody deserves to be disrespected, especially this pure girl. Lagi na lang siyang ginagawang tagasalo at tagasalba ng iba. Tao po siya, hindi Shield. Do better next time!"

"francine diaz doesn’t deserve this kind of insult and disrespect. hindi siya naghirap to reach where she is right now just for the media to continue invalidating her success."

"Hindi man lang chineck bago ipakita sa TV nakakaloka?"

"Pinaghirapan ni Chin ang naabot niya ngayon sa showbiz kaya sana naman kilala siya ng sinumang gumawa niyan."

Inedit naman ng ilang fans ang nakalagay sa monitor para maitama ang pagkakamali.

https://twitter.com/xoxoyancy/status/1725551738139324834

https://twitter.com/sethellites/status/1725550638271189242

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang TV5 kaugnay ng isyu.