Batanes, N. Vizcaya tinamaan na ng Chikungunya
TUGUEGARAO CITY - Lumaganap na ang Chikungunya sa Batanes at Nueva Vizcaya.
Ito ang kinumpirma ng Cagayan Provincial Information Office matapos iulat sa kanila ng Department of Health (DOH)-Region 2 nitong Lunes ang pagtaas ng kaso ng sakit sa dalawang lalawigan.
Sa pulong balitaan sa Kapitolyo nitong Nobyembre 20, ipinaliwanag ni DOH-Region chief Dr. Romulo Turingan na umakyat na sa 508 ang kaso ng sakit mula sa dating dalawa noong 2022.
Aniya, idineklara na nila ang outbreak sa Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya at sa Batanes.
Babala pa ni Turingan, ang mga sintomas ng sakit na katulad ng lagnat, sakit ng ulo, at mga pantal.