Matapos mapabalitang inunfollow umano ni Kapamilya star Kathryn Bernardo ang kapwa Kapamilya star na si Andrea Brillantes sa Instagram, makalipas ang isang araw ay umugong naman ang tsikang nag-unfollow na rin ang huli sa una.

Kung iche-check nga ang Instagram account ni Blythe, hindi na makikita sa "Following" niya ang IG account ni Kathryn, pero naka-follow pa rin siya sa IG account naman ni Daniel Padilla.

Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, si Kathryn naman ay hindi naka-follow kay Andrea subalit naka-follow pa rin kay Daniel kaya makakahinga nang maluwag ang KathNiel fans.

Photo courtesy: Kathryn Bernardo (IG)

Photo courtesy: Kathryn Bernardo (IG)

Kung titingnan din ang IG account ni Daniel, naka-follow pa siya kay Kathryn gayundin kay Andrea.

Photo courtesy: Daniel Padilla (IG)

Photo courtesy: Daniel Padilla (IG)

Matatandaang nali-link si Andrea kay Daniel matapos itsika ni Ogie Diaz ang bulong sa kaniya ng source na palihim umanong nagkikita sina Daniel at Andrea, na ikinaselos daw ni Kathryn.

Maugong naman ang tsikang hiwalay na raw ang dalawa.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, inunfollow si Andrea Brillantes sa IG?

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang naglalabas ng statement mula sa kanilang tatlo.