Inamin ni Kapuso Star Rob Gomez ang kaniyang pagkakamali sa dating live-in partner na si Miss Multinational Philippines 2021 Shaila Rebortera.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Nobyembre 17, naungkat ang tungkol sa isiniwalat na relationship status ni Rob noong una siyang bumisita sa nasabing programa.

Matatandan kasing sinabi ni Rob noon na single siya kahit ang totoo ay karelasyon niya si Shaila at may anak pa sila.

Nauwi tuloy sa hiwalayan ang kanilang relasyon dahil hindi nagustuhan ni Shaila ang sinabing iyon ni Rob.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaya sa ikalawang panayam ni Rob sa programa ni Boy, tinanggap niya ang nagawang pagkakamali.

“It was my fault that I said I was single when I wasn’t. We had a prior talk na kasi na I won’t say it. But, baka lang para mabilis ‘yung usapan para no question asked, I said yes, and that was my fault,” saad ni Rob.

Naging emosyunal naman si Rob nang hingan siya ni Boy nang mensahe para sa kaniyang anak na si Amelia.

“If you ever watching this, I love you so much and I miss you. I just wanne be the best dad. I wanna be the father I’ve never had. I’ll see you soon,” sabi pa ni Rob.

Nauna nang humingi ng paumanhin si Rob sa kaniyang mag-ina sa pamamagitan ng isang Instagram post na ibinahagi niya noong Agosto ilang araw matapos ang una niyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda”.