Mahigit na sa ₱5.1 milyong halaga ng ayuda ang ipinamahagi ng pamahalaan sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 6.8 na lindol sa Mindanao kamakailan.

Sa Facebook post ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang nabanggit na tulong ay naibigay sa mga residente sa Davao Region (Region 11) at SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos) o Region 12.

Sinabi ng ahensya, kabilang sa mga nakatanggap ng financial assistance ang mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay na dulot ng lindol. 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasa anim na pamilya ang tumanggap ng tig-₱10,000 mula sa DSWD matapos mamatayan ng kaanak dahil sa lindol.

Paglilinaw ng DSWD, paunang tulong pa lamang ito ng gobyerno sa mga nilindol.

Tiniyak naman ni DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa mga local government unit (LGU) sa rehiyon upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya.

“We assure the public that the DSWD is on top of the situation and our communication lines are always open for augmentation requests from LGUs affected by the tremor,” banggit pa ng opisyal.