Inamin ng TV host-actress na si Jennica Garcia na wala na umano siyang plano pang makipagbalikan sa dating asawang si Alwyn Uytingco.

Sa panayam kasi ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila kay Jennica nitong Biyernes, Nobyembre 17, itinanong niya kung gusto pa umano nitong makipag-ayos kay Alwyn.

“Do you still want to work it out?” usisa ni Karen.

“Oh, not anymore, Miss Karen. Hindi na po. Nalaman ko na hindi na ako magme-make ng effort to make it work because when we separated, I already gave my all for another year to try,” tugon ni Jennica.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Matatandaang noong 2021 ay naging usap-usapan ang posibilidad ng kanilang pagbabalikan dahil sa isang Facebook post ni Alwyn kung saan tinawag niya si Jennica na ‘Habibi’ na ang kahulugan sa salitang Arabic ay “my love”. 

MAKI-BALITA: Alwyn Uytingco at Jennica Garcia, nagkabalikan na?

Dagdag pa ni Jennica: “Gusto ko rin pong ibigay kay Alwyn na noong bumalik naman siya, okay naman. Kumbaga, nakita ko naman ‘yung willingness niya. Sa totoo lang po parang ako na po ‘yung problema after noong one year.” 

Saka noong mga panahon na ‘yun, unti-unti rin pala siya nakaka-move on mula sa una nilang naging pagsasama ni Alwyn nang hindi niya namamalayan.

“Kaya feeling ko po noong sinabi ko po sa kaniyang ‘Pasensya ka na. Ayoko na’, nagulat rin siya kasi para sa kaniya walang pinanggalingan kasi okay naman kami. Ang problema, kapag tinuloy ko pa, hindi ko makikitang enough ‘yung sarili ko,” saad pa niya.

Naibigay na raw kasi ni Jennica ang 200% ng sarili niya noong kasal pa sila ni Alwyn. Wala na raw siyang maibibigay pa rito para sa isa pang pagkakataon. 

At noon ngang Agosto, inamin ni Jennica sa isang panayam na hiwalay na talaga siya kay Alwyn. Sa katunayan, noong panahong ‘yun, inaaayos na umano nila ang kanilang annulment.

MAKI-BALITA: Jennica inaming hiwalay na talaga kay Alwyn; annulment, inaayos na