Binasag na umano ni Kapamilya star Andrea Brillantes ang kaniyang katahimikan matapos maugnay sa kapwa Kapamilya star na si Daniel Padilla, reel at real-life partner ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo o mas sikat sa tawag na "KathNiel."

Matatandaang napabalita ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz na may sitsit mula sa kaniya ang isang source, na umano'y nagkikita nang palihim sina Daniel at Andrea, bagay na ikinaselos daw ni Kathryn; isa pa, maugong daw ang mga bali-balitang nagkakalabuan na ang dalawa.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Nanggalaiti naman ang fandom ng tatlo kaya kinuyog nila si Ogie at tinawag na "fake news peddler."

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

MAKI-BALITA: Fans nagwala: Ogie Diaz trending sa X

Nilinaw naman ni Ogie na maging siya, umaasam na hindi totoo ang nabalita niya, na mula naman umano sa kaniyang impormante.

Nag-sorry na rin si Ogie in general kung may nasaktan man siyang mga artista at indibidwal sa kaniyang mga ibinabalita.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz sa KathNiel fans: ‘Wag kayong magalit’

Lalong umingay na may "sigalot" sa pagitan nina Kathryn at Andrea nang mapabalitang inunfollow ng una ang huli sa kaniyang Instagram account.

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, inunfollow si Andrea Brillantes sa IG?

Sa isang X account na nakapangalan sa kaniya ay mababasa ang ganitong X post nitong Sabado ng madaling-araw, Nobyembre 18, "So, rumors are flying around, but let me set the record straight — I’ve always said I won’t play a part in breaking someone’s relationship over baseless speculations."

https://twitter.com/ItsAndreaB_/status/1725560357970944049

Sa panghuli, tila may patama ang kaniyang hirit.

"Been in the shoes of betrayal, and it’s a fit I won’t do on anyone else."

https://twitter.com/ItsAndreaB_/status/1725560360449777714

Photo courtesy: Screenshot from X

Trending sa X ang pangalan ni Andrea Brillantes dahil dito.

Paglilinaw naman ng fans niya, hindi raw kay Andrea mismo ang orihinal na X account o post kundi sa isang poser lamang.

https://twitter.com/BrillantsOFC/status/1725713783048614018

Wala pang sey si Andrea kaugnay ng fake account umano na nagsalita tungkol sa isyu.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng KathNiel, lalo na si Daniel Padilla, hinggil sa mga isyung ito, bagama’t tila may ilang cryptic posts daw ang huli tungkol dito.

MAKI-BALITA: Daniel Padilla, keber sa isyu nila ni Andrea Brillantes?