Pinatay ang 76-anyos na bagong halal na kapitan ng barangay sa loob mismo ng kaniyang bahay sa Purok 3 Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 17.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rolando Serapon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon sa pulisya, nasa loob ng bahay ang biktima nang pasukin ito ng ‘di pa nakikilalang suspek at pinagbabaril ng ilang beses.

Agad na naisugod sa ospital si Serapon ngunit ito ay idineklara nang patay.

Tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo. Nagsasagawa na rin ng hot pursuit operation ang Aritao police.