Isinusulong ng isang kongresista sa Mindanao na gawing limang taon ang termino ng mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) mula sa dating tatlong taon.

Paliwanag ni Agusan del Norte 2nd District Rep. Dale Corvera, ito ay upang magampanan ng mga ito nang husto ang kanilang tungkulin.

Ang panukala ay nakapaloob sa House Bill 9557 na inihain ng kongresista nitong Miyerkules.

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

“It’s too short since the first year is some sort of orientation to their job and planning on what to do in the next three years,” dagdag pa ng mambabatas.

 

PNA