CAMP GEN. MIGUEL MALVAR, Batangas City - Dinampot ng pulisya ang isang babaeng pinaghihinalaang drug pusher matapos mahulihan illegal drugs sa ikinasang buy-bust sa Batangas City nitong Miyerkules ng gabi.

Hindi na muna isinapubliko ang pagkakakilanlan ng suspek habang iniimbestigahan pa ang kaso.

Sa ulat ng pulisya, inaresto ang suspek sa Barangay Alangilan, nitong Nobyembre 15 ng gabi.

Nakumpiska rin ang isang coin purse, cellular phone, cash money, at shoulder bag, ayon sa ulat ni Col. Samson Belmonte, Batangas police director.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasa kustodiya na ngayon ng Batangas City Police ang suspek na nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.