“Love is the air yarn?”

Dalawang critically endangered Philippine eagle ang naispatan na nagliligawan habang nasa ere sa konserbasyon ng Mt. Apo Natural Park, ayon sa Department of Environment and Natural Resources - Mount Apo Natural Park Protected Area Management Office (DENR-MANP PAMO Cotabato).

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng DENR na nakita nila ang pagliligawan ng dalawang agila sa ere habang nagsasagawa ang MANP Cotabato, sa pamamagitan ng Philippine Eagle Monitoring Team nito, ng Monitoring activity mula noong Nobyembre 6 hanggang Nobyembre 11, 2023.

“The eagles engaged in the courtship symbolize not only their readiness for procreation but also the critical role that breeding pairs play in maintaining the population growth and survival of their kind,” anang DENR.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“The male and the female eagles performed aerobatics and locked their talons together as they soared high into the sky to begin their courtship. During the process, the pair also vocalized what seemed to be distinguishing calls in order to communicate and strengthen their pair bond. As the courtship progresses, the pair engaged in intricate mid-air dances, spiraling dives, and impressive maneuvers that highlight their grace and power,” dagdag nito.

Ayon pa sa DENR, higit na mahalaga ang natuklasang nagliligawang Philippine eagles dahil ang mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre umano ang panahon ng breeding season ng mga agila.

Bukod naman sa pagpapakita ng kahalagahan ng lugar bilang isang habitat, ang pagkakaroon ng breeding pair sa loob ng Mt. Apo Natural Park ay nagpapatunay din umano sa general health ng ecosystem.

“It highlights the vital interdependence of a healthy ecosystem, which gives apex predators like the Philippine Eagle access to vital resources like suitable nesting sites and prey species,” saad ng DENR.

“Conservation efforts on the determination of the natural behaviors of critically endangered Philippine Eagles were obtained through the diligent monitoring of the MANP Cotabato team.”

“This documentation emphasizes ongoing monitoring and habitat protection, adding to the body of knowledge crucial to the conservation of the Philippine Eagle. The endeavors of DENR demonstrates committed conservation and provide optimism for the Philippine Eagle's sustained existence, highlighting our shared obligation to protect these remarkable avians for upcoming generations,” dagdag pa nito.