Dead on the spot ang dalawang pasaherong sakay ng isang provincial bus matapos pagbabarilin ng dalawang armadong suspek sa Brgy. Minuli, Carranglan, Nueva Ecija, nitong Miyerkules, Nobyembre 15.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 3, nangyari ang insidente dakong 12:50 ng tanghali.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang biyahe ng bus ay mula umano sa Tuguegarao patungong Sampaloc sa Maynila.

Viral na rin ngayon sa social media ang insidente ng pamamaril sa isang lalaki at isang babae na nakaupo sa unahang bahagi ng bus. Tila pumara ang mga suspek pagkatapos ay bumunot ng baril at saka pinagbabaril sa ulo ang mga biktima.

Matapos ang pamamaril, bumaba na ang dalawang suspek.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon.