Tila kinutuban si showbiz columnist Ogie Diaz sa posibilidad na magkaroon ng Boys’ Love series ang dalawang “Senior High” stars na sina Zaijan Jaranilla at Miggy Jimenez.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” nitong Martes, Nobyembre 14, napag-usapan nina Ogie ang tungkol sa kissing scene ng mga karakter nina Zaijan at Miggy sa nasabing teleserye.

“Lagi kong pinapanood ‘yan at medyo kinikilig ako sa kanilang tambalan,” sabi ni Ogie.

Dagdag pa niya: “Alam mo, feeling ko magkakaroon ng BL series itong si Poch at saka si Tim. Mayroon na ngang ano sila, e, parang love team, e. ‘Yung ‘TimPoch’.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Sabi nga nila, Nay, kung magkakaroon daw ng sariling serye ‘to parang magiging reminiscent n’ong kay Tom Rodriguez at saka kay Dennis Trillo,” pahayag naman ng co-host niyang si Mama Loi.

Ang tinutukoy na serye ni Mama Loi ay ang “My Husband’s Lover” ng GMA Network na nagsimulang umere noong 2013.

Sa kasalukuyan, wala pang kumpirmasyon mula sa ABS-CBN hinggil sa BL series nina Zaijan at Miggy.

Pero ayon kay Ogie, kung magkakaroon ng clamor ang mga tao, hindi malabong matuloy ang nasabing proyekto.