Nagbigay ng reaksiyon ang social media personality na si Rendon Labador sa isyu nina Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Task Force Special Operations chief Edison “Bong” Nebrija.

Matatandaang isinapubliko ni Nebrija ang tungkol sa nasitang convoy ng senador nang dumaan umano ito sa EDSA bus lane (northbound) sa tapat ng isang shopping mall sa Mandaluyong City nitong Miyerkules, Nobyembre 15.

MAKI-BALITA: Paglabag sa EDSA bus lane policy, itinanggi ni Revilla–MMDA TF ops chief, ipatatawag sa Senado

Sa Facebook story na in-upload ni Rendon sa parehong araw, makikita ang screenshot ng komento niya sa post ng isang online news platform.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“‘Yung PNP ACG SPOX nga tinanggal ninyo dahil ginawa niya ang trabaho niya, mas lalo na dapat tanggalin ang sino man kapag hindi ginawa ang trabaho. Tama ba?” saad ni Rendon.

Ang tinutukoy ni Rendon sa naturang komento ay si Police Captain Michelle Sabino na sinibak sa puwesto matapos nitong payagang sumama ang social media personality sa raid sa isang online lending company sa Makati. 

Iimbestigahan daw kasi kung nagkaroon ba ng paglabag sa “standard operating procedure” dahil sa pagkuha ni Rendon ng video habang isinasagawa ang nasabing operasyon.