Pabirong pinangalanan ng social media personality na si Rendon Labador ang sabong ie-endorso ng basketball player na si Ricci Rivero.

Sa Facebook story ni Rendon nitong Miyerkules, makikita ang screenshot ng komento niya sa post ng Balita tungkol bali-balitang kukunin umanong endorser ng sabong panlaba si Ricci.

MAKI-BALITA: Ricci, kukunin daw endorser ng sabong panlaba

Matatandaang pinutakti ng kantiyaw si Ricci matapos i-reveal ni Andrea sa isang panayam na nagkaroon umano siya ng dating jowa na isang taong hindi nagpa-laundry.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Bagama’t walang pangalang binanggit ang aktres, sa hula ng mga netizen ay si Ricci ang tinutukoy nito.

MAKI-BALITA: Ex ni Andrea na hindi nagpapa-laundry nang isang taon, tinukoy ng netizens

“Ang brand ng sabon ‘Andriel,” saad ni Rendon.

Tila pa-shade din ito ni Rendon sa mag-jowang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil kamakailan lang ay hinamon niya ang dalawa na magsalita sa gitna ng isyung hiwalayan.

MAKI-BALITA: Rendon, hinamon ang KathNiel: ‘Andriel na ba ang bago?’

Umugong ang nasabing isyu matapos kumalat ang balita na palihim umanong nagkikita sina Daniel at Andrea Brillantes na ex-girlfriend ni Ricci.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?