Inamin ni “Asia’s Songbird” Regine Velasquez-Alcasid na hindi umano siya sigurado kung babalik pa siya sa pag-arte.

Sa muling pagpirma ni Regine ng exclusive contract sa ABS-CBN kamakailan bilang Kapamilya, tinanong siya kung game daw ba siyang sumabak ulit sa pag-arte.

“Pinag-iisipan ko kung gusto ko pang umarte. Hindi ako sure,” sagot ni Regine sa naganap na contract signing sa ABS-CBN.

Hindi raw kasi niya itinuring ang sarili bilang aktres kahit kailan. 

‘Bakuna Eskwela’ program ng DOH, DepEd, aarangkada

“Parang ‘di ako masyadong magaling doon,” aniya.

Pero na-enjoy naman umano niya ang buong proseso ng pagbuo ng pelikula. Sadyang hindi lang siguro talaga siya para doon.

“Mas gusto ko talaga ‘yung kumanta. Mas nae-enjoy ko talaga ‘yun kaysa ‘yung umarte. Kasi ‘pag umaarte ka ang dami mong bitbit, e. Nabibitbit ko talaga kasi, e,” paliwanag pa ni Regine.

Pero hindi naman umano niya ganap na isinasara ang posibilidad na umarte ulit. Kung may dumating daw na magandang offer, baka i-consider niya.