Nakakaloka ang reaksiyon at komento ng netizens sa tsikang umano'y nakatakdang bumalik sa ABS-CBN si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga at magiging bahagi ulit ng isang sikat na show sa nilayasang Kapamilya Network.
Bagama't walang binanggit na show at hindi pa naman kumpirmado ang intrigang ito, haka-haka ng mga netizen na baka sa muling pagbabalik ito ng reality show na "Pinoy Big Brother" (PBB) kung saan isa siya sa original host.
Nagbitiw sa kaniyang tungkulin bilang main host si Toni sa kasagsagan ng pagsisimula ng kampanya noong 2022, kung saan siya ang nagsilbing host ng proclamation rally ng UniTeam.
Hindi rin nagustuhan ng mga netizen ang ginawa niyang pagpapakilala kay Cong. Rodante Marcoleta noon, na isa sa mga mambabatas na nanggisa sa ABS-CBN sa kasagsagan ng isyu ng franchise renewal.
Anyway, makikita sa latest Instagram post ni PBB host Robi Domingo ang ngitngit ng mga tao na huwag nang pabalikin si Toni sa ABS-CBN.
Kasama ni Robi sa litrato ang PBB hosts na sina Bianca Gonzalez, Melai Cantiveros, Enchong Dee, at Kim Chiu.
Sa likod nila ay makikita ang logo ng PBB hudyat ng kanilang napipintong pagbabalik.
"Hello 🇵🇭🌏," caption ni Robi, na pamosong opening spiel nilang "Hello Philippines, hello world!"
View this post on Instagram
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Kayo lang sapat na😍."
"Eto na ngaaaaaa! Basta wag na si ano, char."
"Ok na to. Wag na pabalikin yung isa please."
"You guys are enough. Baka konti manood pag binalik yong isa."
"Napakita na yung tunay na kulay nung isa pls lang wag nyo ng pabalikin @abscbn gawa nalang siya show nya with the title La Traidora."
Samantala, sa iba pang social media platforms gaya ng X, may mga nagbanta pang ibo-boykot daw ang anumang show o kaya ay buong ABS-CBN kung mangyayari nga ang sinasabing pagbabalik ni Toni sa Kapamilya Network.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Toni, ng PBB, o maging ng ABS-CBN tungkol sa isyu.
MAKI-BALITA: Toni Gonzaga usap-usapang babalik sa ABS-CBN