
Fish kill sa Cavite City, iniimbestigahan na ng BFAR
Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ang insidente ng fish kill sa Cavite City kamakailan.
Sinabi ng Coast Guard Sub-Station (CCSS) Cavite, nakahakot na ang mga residente ng mga patay na isda sa bahagi ng Barangay 61, Cavite City nitong Nobyembre 13.
Ipinaliwanag naman ni Gerry Rubia, isa sa mga residente ng Brgy. 62-A, Kangkong, sa panayam sa telebisyon, nagulat na lamang sila nang makita ang tone-toneladang patay na tilapia sa Cañacao Bay nitong Lunes.
Umaabot na aniya sa 220 sakong mga patay na tilapia ang ibinaon nila sa landfill sa nasabing lugar.
Iniimbestigahan na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang insidente at sinabing nagsagawa na sila ng water sampling upang madetermina ang sanhi nito.