Umeksena ang social media personality na si Zeinab Harake sa work out ng jowa niyang basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr. 

Sa Instagram story na ibinahagi ni Zeinab nitong Martes, Nobyembre 14, makikita ang video kung saan nakapatong siya sa likod ni Ray Parks habang nagpu-push up.

Matatandaang hindi ito ang umanong beses na pinatungan ni Zeinab ang jowa niyang basketball player.

MAKI-BALITA: ‘Miss na raw kasi!’ Zeinab Harake, ‘pinatungan’ si Bobby Ray

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Workout with bebe @ray1parks,” sabi ni Zeinab sa text caption ng kaniyang story.

Hindi napigilan ng vlogger na humanga sa kaniyang jowa. 

Kaya dagdag pa niya: “Lakas ni Daddy Ray. Sana all.”

Samantala, sa kasunod na Instagram story, makikita na tila pagkatapos mag-work out ay nag-road trip ang dalawa at kumain pa ng bonete.