Trending sa X ang paglabas ng official teaser ng "Rewind," ang comeback movie ng Kapuso royalty at real-life couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa ilalim ng "Star Cinema," ang isa sa movie outfit ng ABS-CBN.

It's another collaboration project na naman ito sa pagitan ng Kapamilya at Kapuso dahil alam naman ng lahat na ang DongYan ay isa sa A-listers ng GMA Network. Opisyal na lahok ang pelikula sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong 2023.

Excited na ang mga Kapamilya at Kapuso na mapanood ang kauna-unahang pelikula ng mag-asawa sa ilalim ng Star Cinema, although individually, hindi na bago sa kanila na mapabilang sa isang SC movie.

Matatandaang bumida na si Marian noon sa "Kung Fu Divas" kasama si Comedy Queen Ai Ai Delas Alas noong 2013. Napabilang din siya sa "Ekstra" ni Star For All Seasons Vilma Santos-Recto sa kaparehong taon.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Si Dingdong naman ay mas maraming nagawang pelikula sa ilalim ng Star Cinema gaya ng "Segunda Mano" (2011), "One More Try" (2012), "She's The One" (2013), "The Unmarried Wife" (2016), at "Seven Sundays" (2017).

Kumakalat naman ang litrato ng paghaharap nina Unkabogable Star Vice Ganda at DongYan, na ayon sa mga netizen, ay sa ABS-CBN building.

Si Vice Ganda ang karaniwang representative ng ABS-CBN/Star Cinema sa MMFF ngunit sa taong ito ay walang entry ang komedyante-TV host.

Makikita ito sa mismong Facebook account ni Marian.

"DongYan and Vice Ganda ❤️❤️❤️ Rewind, in cinemas December 25!," aniya sa caption.

Ang huling MMFF movie ni Vice Ganda ay "Partners in Crime" kasama ang kapwa Kapamilya star-social media personality na si Ivana Alawi.