Nagbigay na rin ng pahayag si showbiz columnist Ogie Diaz matapos niyang ibalita ang tungkol sa isyung kinasangkutan umano ng mga Kapamilya star na sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Andrea Brillantes.

Sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Biyernes, Nobyembre 10, sumagot na si Ogie sa mga bashers na nagsasabing fake news peddler daw siya.

“Sanay na sanay na po ako sa mga bashers. Lalo’t higit doon sa mga hindi naman nakakakilala sa akin at jina-judge lang naman ako according sa sinulat ko or sa mga sinasabi ko rin dito,” pahayag ni Ogie.

Dagdag pa niya: “‘Wag kayong magalit. Kayo naman, Diyos ko!”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nilinaw niyang wala naman umano siyang masamang intensyon sa pagbabalita tungkol sa isyu nina Daniel, Kathryn, at Andrea. Sa katunayan, hinihiling umano niya na sana ay hindi nga totoong hiwalay na ang KathNiel. 

“Maganda kung ganoon kung hindi sila hiwalay at sila pa rin. Dahil ‘yan din naman ang ating wish…na sana sila pa rin,” saad pa ni Ogie.

Matatandaan kasing itsinika ni Ogie kamakailan na nagkikita umano nang palihim sina Daniel at Andrea ayon sa kaniyang source.

MAKI–BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Bago pa man ito, nauna na ring ibalita ni Ogie sa isa ring episode ng kaniyang vlog na hindi raw bet ni Kathryn na makatrabaho si Andrea dahil nga sobrang crush umano ng huli ang jowa nitong si Daniel.

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, di bet makatrabaho si Andrea Brillantes?

Katakot-takot na pambabatikos tuloy ang natanggap ni Ogie at sinabihan pa umano siyang fake news peddler.

MAKI-BALITA: Fans nagwala: Ogie Diaz trending sa X

Pati ang Star Magic na talent agency ng tatlong artistang sangkot ay hindi nakaligtas. Kinalampag din sila ng fans para magsalita at pabulaanan ang nasabing isyu.

MAKI-BALITA:  Star Magic, pinuntirya ng KathNiel fans

Bagama’t wala pang opisyal na tugon, reaksiyon, o pahayag ang tatlong artistang pinuntirya ng isyung ito, nagbahagi ng makahulugang larawan si Daniel sa kaniyang Instagram story. 

MAKI-BALITA: Daniel Padilla, keber sa isyu nila ni Andrea Brillantes?

Ilang araw matapos ito, proud niya ring flinex ang jowang si Kathryn na naitampok sa isang lifestyle magazine.

MAKI-BALITA: Daniel, proud kay Kathryn; sinupalpal fake news peddlers