Nagbahagi ang TV host-actor na si Luis Manzano ng video clip ng “It’s Your Lucky Day” sa kaniyang Instagram account nitong Linggo, Nobyembre 12.

“Miss niyo na? ❤️🥰🥹🥰🥹” tanong ni Luis sa caption ng kaniyang post.

Matatandaang kamakailan lang ay nagbahagi rin ang “It’s Your Lucky Day” co-host ni Luis na si Shaina Magdayao ng Instagram post na tila may pahiwatig sa muling pagbabalik ng nasabing noontime show.

MAKI-BALITA: ‘See you soon’ ni Shaina, pahiwatig sa muling pagbabalik ng ‘It’s Your Lucky Day’?

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Tinugon ng mga ka-Lucky ang tanong ni Luis sa kaniyang caption. Narito ang ilang komento  ng mga netizen sa nasabing post:

“Sure ako babalik to..bago sana mag tv patrol...ang saya ng mga games dyan..”

“Yes Papa @luckymanzano 😝♥️”

“Yes please 2024 🙏”

“Definitely ! Hope you come back the soonest on a different time slot”

“Yes 🙌 Hope to see all of you soonest 🙏🙏”

“Sobra pong miss na namin kayo sana talaga ibalik kayo may at sana po lahat din kayong mga host”

“Yes!! For me deserved po makabalik kayo either before showtime or before TV Patrol (Kapamilya Channel or A2Z)/24 Oras for GTV/GMA”

“Parang deserve niyo na maging full time show talaga”

“yes please bago mag TV Patrol”

“Opoooo❤️❤️❤️”

Matatandaang “It’s Your Lucky Day” ang pansamantalang pumalit sa noontime show na “It’s Showtime” matapos nitong patawan ng 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

MAKI-BALITA:  ‘It’s Your Lucky Day’ rerelyebo sa ‘It’s Showtime’

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB