Nagbiruan ang dalawang “It’s Showtime” hosts na sina Ryan Bang at Ogie Alcasid sa X nitong Sabado, Nobyembre 11.

Nag-tweet kasi si Ryan at sinabing hindi pala siya pina-follow ni Ogie sa X.

“@ogiealcasid di mo pala ako pinafollow kuya Ogie araw araw kasama tayo sa dressing room,” saad ni Ryan.

Tumugon naman dito si Ogie: “@ryanbang pina-follow na kita. Labyu.”

Eleksyon

Chavit Singson, kakandidatong senador sa midterm elections

https://twitter.com/ryanbang/status/1723250771838603723

“Buti naman finollow back mo na ako kuya Ogie kasi muntik na kita iblock 😘 I love you too,” buwelta pa ni Ryan.

Natuwa tuloy ang mga netizen sa palitang ito ng dalawa. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Sige Ryan, ipakita mo kung sino ka. HAHAHAHAHHA”

“Ahahahaha”

“Niyahaha sweet nyu po ni Ryan bang 😍”

“Ang cute nyo dalawa🥰🥰♥️💙💚”

“Hahahahahahaha”

Sina Ryan at Ogie ay magkagrupo sa “Magpasikat 2023” ng “It’s Showtime” at kasama rin nila ang kanilang co-host na si Anne Curtis. Nasungkit ng kanilang team ang ikalawang puwesto at nag-uwi ng ₱200,000.