Hindi na naman nakaligtas sa intriga si Kapamilya star Julia Montes matapos niyang magbakasyon sa Italy kamakailan kasama ang jowang si Coco Martin.

Sa isang episode ng Marites University noong Biyernes, Nobyembre 10, nahagip ng tsikahan nina Ambet Nabus, Jun Nardo, at Rose Garcia ang larawan ni Julia sa Italy.

“Ang pinag-uusapan kasi sa picture na ‘yan, ‘yung namumutok daw diumano na…tagiliran. Kasi marami na namang nang-iintriga dito sa Baby Julia natin na baka na naman buntis na naman daw,” saad ni Ambet.

Pero ayon kay Rose: “Sabi ng source ko, hindi raw…hindi raw preggy ngayon.”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“O, hindi pala, e. So, ano lang ‘yan, taba lang ‘yan,” sabi pa ni Ambet.

Sa palagay naman ni Jun: “Baka bagong kain.”

Matatandaang hindi ito ang unang beses na napabalitang buntis si Julia kay Coco. Sa katunayan, noong nakaraang taon ay kumalat na ang ganitong tsismis matapos niyang magbahagi ng larawan sa kaniyang Instagram account. 

MAKI-BALITA: ‘May ipinakita, may itinatago?’ Mga netizen, napa-react sa latest photo ni Julia Montes

Lalo pang lumakas ang alingasngas tungkol sa pagbubuntis ni Julia nang bumulaga siya sa mga huling eksena ng “FPJ’S Ang Probinsiyano”

MAKI-BALITA: ‘First Lady’ Shawie, tribute kay Susan, pagbulaga ni Julia; mga eksena sa finale ng FPJ’s Ang Probinsyano

Pero natuldukan din naman ang haka-hakang ito nang ianunsiyo na sasabak umano ang aktres sa isang action-thriller movie.

MAKI-BALITA: Julia Montes, hindi preggy; sasabak sa isang action-thriller movie