Healthy relationship ba ‘ka mo?

Siguradong mapapa-sana all na lang ang netizens sa isiniwalat ng dating Encantadia sang’gre na si Diana Zubiri tungkol sa relasyon niya sa asawang si Andy Smith.

Sa panayam kasi kay Diana sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Nobyembre 10, naitanong ni Boy kung kumusta umano sila ng kaniyang asawa.

“Okay kami ni Andy, Tito Boy. Sobrang okay,” sagot ni Diana.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Sobrang guwapo rin ng asawa mo,” biro pa ng host.

“Naman,” pagsang-ayon pa ng aktres sabay tawa.

Pero tila hindi pa kuntento si Boy sa nakuhang sagot mula kay Diana. Tinanong niya rin kasi ang aktres kung paano nito nagagawang patatagin ang nabuong relasyon niya kay Andy.

“It’s not just being able to build a relationship but sustaining a relationship, di ba, how do you do it as a couple?” usisa ni Boy.

“Alam mo, Tito Boy,” sagot ni Diana, “sa lahat ng naging relationship ko dati sa mga naging boyfriend ko kasi nagtataka ako, noong kami ni Andy hindi kami nag-aaway. As in talagang ‘Bakit ganoon? Hindi kami nag-aaway?’”

Pero sa palagay ng aktres, siguro ay dahil talagang mahaba ang pasensiya ni Andy pagdating sa kaniya. Hindi umano ito pumapatol kapag nagagalit siya. Sa katunayan, ito pa umano ang unang sumusuyo sa kaniya.

“Wala talaga akong matandaan na pinag-awayan namin kahit malaking problema o maliit. Wala. So, ‘yun ‘yung pinagpapasalamat ko,” saad pa niya.

Sinabi rin ni Diana na malaking factor umano sa matibay nilang relasyon bilang mag-asawa ang magandang foundation nila noong mag-jowa pa lang sila ni Andy.

Sa kasalukuyan, may dalawang anak si Diana kay Andy. Ang mga ito ay sina Aliyah Rose at Amira Jade. Samantala, si King naman ay anak niya sa unang asawang si Alex Lopez na pumanaw noong 2010.