Binira ng embahada ng Australia at United States ang insidente ng pangha-harass ng China sa mga barko ng Pilipinas sa nakaraang resupply mission ng bansa sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Nobyembre 10.

Sa kanyang pahayag nitong Biyernes, ipinaliwanag ni Australian Ambassador to the Philippines HK Yu na dapat na irespeto ng China ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

“Australia is again concerned by dangerous conduct, including the use of water cannons, by China’s vessels in the Philippines’ EEZ (exclusive economic zone). Upholding international law, especially UNCLOS, is fundamental to international peace and security,” aniya.

Kinondena rin ni U.S. Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, ang patuloy na pangha-harass ng China at sinabing kaisa ng Washington DC ang Pilipinas para sa isinusulong na "free and open Indo-Pacific."

National

'Julian,' nakalagpas na malapit sa Sabtang Island, Batanes -- PAGASA

“Despite continued PRC (People's Republic of China) harassment, the Philippines successfully and lawfully resupplied its forces on the BRP Sierra Madre at Ayungin Shoal, located wholly within the Philippine EEZ. (The US and the Philippines) stand together as friends, partners, allies for a free and open Indo-Pacific,” ani Carlson.

Ipinaliwanag ng dalawang opisyal na pinalalala lamang ng China ang tensyon ang patuloy na pangha-harass nito sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Nauna nang iginiit ni China Coast Guard (CCG) na ipagpapatuloy nila ang pagpapatupad ng batas malapit sa Ayungin Shoal at sinabing teritoryo nila ang naturang lugar.

Nitong Biyernes, binomba ng tubig ng barko ng CCG ang Philippine supply vessel na M/L Kalayaan na nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre, kasama ang iba pang barko ng Philippine Coast Guard.

PNA