Sa plenary budget deliberations, ibinahagi ng sponsor ng panukalang 2024 Budget ng DepEd na si Senator Pia Cayetano na para matugunan ang kakulangan sa guro, plano ng ahensya na kumuha ng 20,000 na guro para sa susunod na school year.
Nangangailangan pa ang DepEd ng ₱5.6 bilyon upang maisakatuparan ang kanilang basic education program.
Binanggit na nitong school year 2023-2024, nasa 3,352 na guro ang kinuha ng DepEd mula sa planong 9,650.
Paliwanag ni Cayetano, hiring pa ng mga guro at kumpiyansa ang ahensya na makakamit ang target hanggang sa katapusan ng school year sa Hulyo 2024.